Add parallel Print Page Options

15 “Mula(A) sa kinabukasan, pagkalipas ng Sabbath mula sa araw na inyong dalhin ang bigkis na handog na iwinawagayway, ay bibilang kayo ng pitong buong linggo.

16 Hanggang sa kinabukasan pagkalipas ng ikapitong Sabbath, bibilang kayo ng limampung araw; pagkatapos ay mag-aalay kayo ng handog na bagong butil sa Panginoon.

17 Mula sa inyong mga tahanan ay magdadala kayo ng dalawang tinapay upang iwagayway, na ang bawat isa ay dalawang ikasampung bahagi ng isang efa na mula sa piling harina, at lulutuin na may pampaalsa bilang unang bunga sa Panginoon.

Read full chapter