Levitico 23:17-19
Ang Biblia (1978)
17 Sa inyong mga tahanan ay magdadala kayo ng dalawang tinapay na aalugin na may dalawang ikasangpung bahagi ng isang epa[a] ng mainam na harina, at lulutuin na may levadura na (A)pinaka pangunang bunga sa Panginoon.
18 At ihaharap ninyo ang tinapay na kalakip ng pitong kordero ng unang taon na walang kapintasan, at ng isang guyang toro at ng dalawang tupang lalake: mga handog sa Panginoon na susunugin, na kalakip ng kanilang handog na harina, at ng kanilang mga handog na inumin, handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
19 (B)At maghahandog kayo ng isang lalaking kambing na pinaka handog dahil sa kasalanan, (C)at ng dalawang korderong lalake ng unang taon na haing mga handog tungkol sa kapayapaan.
Read full chapterFootnotes
- Levitico 23:17 Ang isang epa ay katimbang ng 30 litro.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978