Add parallel Print Page Options

35 Sa unang araw ay magkakaroon ng banal na pagpupulong; kayo'y huwag gagawa ng anomang gawang paglilingkod.

36 Pitong araw na maghahandog kayo sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy; sa ikawalong araw ay magkakaroon kayo ng banal na pagpupulong; at kayo'y maghahandog sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy; siyang pinaka dakilang kapulungan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod.

37 Ito ang mga takdang kapistahan sa Panginoon, na inyong itatanyag na mga banal na pagpupulong, upang maghandog sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy, ng handog na susunugin, at ng handog na harina, ng hain, at ng mga handog na inumin na bawa't isa ay sa kaniyang sariling kaarawan:

Read full chapter