Add parallel Print Page Options

37 (A)Ito ang mga takdang kapistahan sa Panginoon, na inyong itatanyag na mga banal na pagpupulong, upang maghandog sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy, ng handog na susunugin, at ng handog na harina, ng hain, at ng mga handog na inumin na bawa't isa ay sa kaniyang sariling kaarawan:

38 (B)Bukod sa mga sabbath sa Panginoon, at bukod sa inyong mga kaloob, at bukod sa lahat ng inyong mga panata, at bukod sa lahat ng inyong mga handog na kusa na inyong ibinibigay sa Panginoon.

39 Gayon ma'y sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwan, (C)pagka inyong natipon ang bunga ng lupain, ay magdidiwang kayo sa Panginoon ng kapistahang pitong araw: ang unang araw ay magiging takdang kapahingahan, at ang ikawalong araw ay magiging takdang kapahingahan.

Read full chapter