Add parallel Print Page Options

Ito(A) ay magiging kay Aaron at sa kanyang mga anak, at ito ay kanilang kakainin sa dakong banal, sapagkat ito ay kabanal-banalang bahagi para sa kanya mula sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy, isang walang hanggang bahagi.”

Isang Halimbawa ng Makatarungang Pagpaparusa

10 Noon, ang anak na lalaki ng isang babaing Israelita na ang ama'y Ehipcio ay pumunta sa mga anak ni Israel. Nag-away sa kampo ang anak ng babaing Israelita at ang isang Israelita.

11 At nilapastangan ng anak ng babaing Israelita ang Pangalan, sa isang pagsumpa. Siya'y kanilang dinala kay Moises, at ang pangalan ng kanyang ina ay Shelomit, na anak ni Debri sa lipi ni Dan.

Read full chapter