Add parallel Print Page Options

Pagpapautang sa Mahihirap

35 “Kung(A) ang isang kababayan ninyo ay naghirap at hindi na niya kayang buhayin ang sarili, kupkupin ninyo siya tulad ng isang dayuhang nakikipamayan sa inyo. 36 Huwag ninyo siyang patutubuan kung siya'y mangutang sa inyo. Matakot kayo sa Diyos, at hayaan ninyo itong mabuhay na kasama ninyo. 37 Huwag(B) ninyong patutubuan ang pera o pagkaing inutang niya sa inyo.

Read full chapter