Font Size
Levitico 25:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Levitico 25:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Taon ng Paglaya
8 “Bibilang kayo ng pitong tigpipitong taon, bale apatnapu't siyam na taon. 9 Pagkalipas nito, sa ikasampung araw ng ikapitong buwan na siyang Araw ng Pagtubos sa Kasalanan, hihipan nang malakas ang trumpeta sa buong lupain. 10 Sa ganitong paraan, itatangi ninyo ang ikalimampung taon; ipahahayag ninyong malaya ang lahat sa buong lupain. Ito ay inyong Taon ng Paglaya; ang alipin ay babalik sa kanyang sariling tahanan at ang lupaing naipagbili ay isasauli sa dating may-ari.
Read full chapter