Font Size
Levitico 27:30-32
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Levitico 27:30-32
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
30 “Lahat(A) ng ikasampung bahagi, maging binhi o bunga ng pananim ay nakalaan kay Yahweh. 31 Kung may nais tumubos sa alinman sa kanyang ikasampung bahagi, babayaran niya ito ayon sa itinakdang halaga nito maliban pa sa dagdag na ikalimang bahagi ng halagang iyon. 32 Isa sa bawat sampung alagang hayop ay nakalaan para kay Yahweh. Ang bawat ikasampung tupa o baka na mabibilang ay para kay Yahweh.
Read full chapter