Add parallel Print Page Options

Sa handog na ito kukuha ang pari ng parteng susunugin para kay Yahweh. Kukunin niya ang tabang nakabalot sa laman-loob at lahat ng taba nito; gayundin ang dalawang bato, ang taba sa balakang at ang tabang bumabalot sa atay. Ang lahat ng ito'y ilalagay sa altar at susunugin ng mga pari bilang handog upang ang usok nito'y maging mabangong samyo kay Yahweh.

Read full chapter