Font Size
Levitico 3:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Levitico 3:3-5
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
3 Sa handog na ito kukuha ang pari ng parteng susunugin para kay Yahweh. Kukunin niya ang tabang nakabalot sa laman-loob at lahat ng taba nito; 4 gayundin ang dalawang bato, ang taba sa balakang at ang tabang bumabalot sa atay. 5 Ang lahat ng ito'y ilalagay sa altar at susunugin ng mga pari bilang handog upang ang usok nito'y maging mabangong samyo kay Yahweh.
Read full chapter