Font Size
Levitico 3:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Levitico 3:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
8 Ipapatong niya sa ulo nito ang kanyang kamay at ito'y papatayin sa harap ng Toldang Tipanan. Ibubuhos ng mga pari ang dugo nito sa paligid ng altar. 9 Kukunin niya ang lahat ng taba, pati ang nasa buntot hanggang sa gulugod at ang bumabalot sa mga laman-loob. 10 Kukunin din niya ang dalawang bato, pati ang taba nito sa balakang at ang tabang bumabalot sa atay.
Read full chapter