Add parallel Print Page Options

At kaniyang ihahandog hinggil sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan ay isang handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy; ang taba niyaon, ang buong matabang buntot, ay aalisin niya sa siping ng gulugod; at ang tabang nakatatakip ng lamang loob, at ang lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob.

10 At ang dalawang bato, at ang tabang nasa ibabaw niyaon, na malapit sa mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay, ay aalisin niya na kalakip ng mga bato.

11 At susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana: pagkaing handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

Read full chapter