Add parallel Print Page Options

14 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

15 (A)Kung ang sinoman ay makasuway at magkasala ng di sinasadya sa mga banal na bagay ng Panginoon; (B)ay magdadala nga siya sa Panginoon ng handog dahil sa pagkakasala na isang tupang lalaking walang kapintasan na kinuha sa kawan, ayon sa iyong pagkahalaga sa siklong[a] pilak, ayon (C)sa siklo ng santuario na pinakahandog dahil sa pagkakasala:

16 At isasauli niya (D)yaong kaniyang nadaya sa banal na bagay, at magdaragdag pa ng ikalimang bahagi, at ibibigay niya sa saserdote: (E)at itutubos sa kaniya ng saserdote sa pamamagitan ng lalaking tupang handog dahil sa pagkakasala; at siya'y patatawarin.

Read full chapter

Footnotes

  1. Levitico 5:15 Isang siklong pilak ay katimbang ng P1.10 sa ating kuwalta.