Levitico 5:15-17
Ang Biblia (1978)
15 (A)Kung ang sinoman ay makasuway at magkasala ng di sinasadya sa mga banal na bagay ng Panginoon; (B)ay magdadala nga siya sa Panginoon ng handog dahil sa pagkakasala na isang tupang lalaking walang kapintasan na kinuha sa kawan, ayon sa iyong pagkahalaga sa siklong[a] pilak, ayon (C)sa siklo ng santuario na pinakahandog dahil sa pagkakasala:
16 At isasauli niya (D)yaong kaniyang nadaya sa banal na bagay, at magdaragdag pa ng ikalimang bahagi, at ibibigay niya sa saserdote: (E)at itutubos sa kaniya ng saserdote sa pamamagitan ng lalaking tupang handog dahil sa pagkakasala; at siya'y patatawarin.
17 At kung ang sinoman ay magkasala, at gumawa ng alin man sa mga bagay na iniutos ng Panginoon na huwag gawin; (F)bagama't hindi niya nalalaman, (G)makasalanan din siya at magtataglay siya ng kaniyang kasamaan.
Read full chapterFootnotes
- Levitico 5:15 Isang siklong pilak ay katimbang ng P1.10 sa ating kuwalta.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978