Add parallel Print Page Options

(A)At kung ang kaniyang kaya ay hindi sapat upang magdala ng isang kordero, ay magdadala nga siya sa Panginoon, na pinaka handog niya sa pagkakasala, dahil sa ipinagkasala niya, (B)ng dalawang batobato o ng dalawang inakay ng kalapati: ang isa'y pinaka handog dahil sa kasalanan at ang isa'y pinaka handog na susunugin.

At sila'y dadalhin niya sa saserdote, na ang ihahandog nito na pinaka handog dahil sa kasalanan, ay ang una (C)at pupugutin ang ulo sa leeg, nguni't hindi papaghihiwalaying bigla:

At magwiwisik siya ng dugo ng handog dahil sa kasalanan sa ibabaw ng gilid ng dambana; (D)at ang labis sa dugo ay pipigain (E)sa paanan ng dambana: handog nga dahil sa kasalanan.

Read full chapter