Add parallel Print Page Options

11 At maghuhubad siya ng kaniyang mga suot, at magbibihis ng ibang mga kasuutan, at ilalabas ang mga abo sa labas ng kampamento (A)sa isang dakong malinis.

12 At ang apoy sa ibabaw ng dambana ay papananatilihing nagniningas doon, hindi papatayin; at ang saserdote ay magsusunog ng kahoy sa ibabaw niyaon tuwing umaga: at aayusin niya sa ibabaw niyaon ang handog na susunugin, at susunugin sa ibabaw niyaon (B)ang taba ng mga handog tungkol sa kapayapaan.

13 Ang apoy ay papananatilihing nagniningas sa ibabaw ng dambana; hindi papatayin.

Read full chapter