Add parallel Print Page Options

18 Bawa't lalake sa mga anak ni Aaron ay kakain niyaon na (A)pinakabahagi nila magpakailan man, sa buong panahon ng inyong lahi, sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy; (B)sinomang humipo ng mga iyan ay magiging banal.

19 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

20 (C)Ito ang alay ni Aaron at ng kaniyang mga anak na kanilang ihahandog sa Panginoon sa araw na siya'y pahiran ng langis; ang ikasangpung bahagi ng isang (D)epa[a] ng mainam na harina, na pinakahandog na harina magpakailan man, ang kalahati ay sa umaga at ang kalahati ay sa hapon.

Read full chapter

Footnotes

  1. Levitico 6:20 Ang isang epa ay katimbang ng 30 litro.