Add parallel Print Page Options

At sa mga anak ni Israel ay sasalitain mo, na sasabihin, (A)Kumuha kayo ng isang kambing na lalake na handog dahil sa kasalanan; at ng isang guyang baka, at ng isang kordero, na kapuwa na may gulang na isang taon, at walang kapintasan, na handog na susunugin;

(B)At ng isang toro at ng isang tupang lalake na mga handog tungkol sa kapayapaan, upang ihain sa harap ng Panginoon, (C)at ng isang handog na harina na hinaluan ng langis: (D)sapagka't napakikita sa inyo ngayon ang Panginoon.

At kanilang dinala sa harap ng tabernakulo ng kapisanan ang iniutos ni Moises: at lumapit doon ang buong kapisanan, at tumayo sa harap ng Panginoon.

Read full chapter