Add parallel Print Page Options

Kaya nagpadala ng apoy ang Panginoon at sinunog sila hanggang sa silaʼy mamatay sa presensya ng Panginoon doon sa Toldang Tipanan. Sinabi ni Moises kay Aaron, “Iyan ang ibig sabihin ng Panginoon nang sabihin niya,

‘Dapat malaman ng mga pari[a] na akoʼy banal,
at dapat akong parangalan ng lahat ng tao.’ ”

Hindi umimik si Aaron. Ipinatawag ni Moises si Mishael at si Elzafan na mga anak ni Uziel na tiyuhin ni Aaron at sinabi niya sa kanila, “Kunin ninyo ang mga bangkay ng inyong mga pinsan sa Tolda at dalhin ninyo sa labas ng kampo.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 10:3 mga pari: sa literal, ang mga lumalapit sa akin.