Leviticus 10:6-8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
6 Pagkatapos, sinabi ni Moises kay Aaron at sa mga anak niyang sina Eleazar at Itamar, “Huwag ninyong guguluhin ang inyong buhok o pupunitin man ang inyong damit para ipakita ang inyong pagluluksa sa namatay. Kapag ginawa ninyo iyon, pati kayo ay mamamatay at magagalit ang Panginoon sa lahat ng taga-Israel. Pero maaaring magluksa ang mga Israelitang kamag-anak ninyo para sa kanilang dalawa na sinunog ng Panginoon. 7 Huwag muna kayong umalis sa pintuan ng Tolda.[a] Mamamatay kayo kapag umalis kayo, dahil pinili kayo ng Panginoon para maging mga pari sa pamamagitan ng pagpahid sa inyo ng langis.” At sinunod nila ang iniutos ni Moises.
8 Sinabi ng Panginoon kay Aaron,
Read full chapterFootnotes
- 10:7 Maaaring ang ibig sabihin nito ay hindi sila maaaring magluksa o umalis sa Tolda para maipagpatuloy nila ang responsibilidad nila sa paghahandog sa Panginoon bilang mga pari.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®