Add parallel Print Page Options

29 Kung ang isang tao[a] ay may tanda ng nakakahawang sakit sa balat sa ulo o sa baba, 30 dapat ipasuri niya iyon sa pari. Kung iyon ay sugat na nga, at ang buhok o balbas ay naninilaw at madalang ang pagtubo, ipapahayag ng pari na ang taong iyon ay marumi, dahil may sakit siya sa balat na nakakahawa sa ulo o baba. 31 Pero kung sa pagsusuri ng pari ay nakita niya na hindi naman lumalalim ang sugat at wala ng maitim na buhok o balbas, ibubukod siya ng pari sa mga tao sa loob ng pitong araw.

Read full chapter

Footnotes

  1. 13:29 tao: sa literal, lalaki o babae. Katulad din sa talatang 38.