Add parallel Print Page Options

Pero kung ang namumuting balat ay hindi tagos sa laman at hindi rin namumuti ang balahibo, ibubukod siya ng pari sa mga tao sa loob ng pitong araw. Sa ikapitong araw, susuriin siyang muli ng pari, at kung makita niyang ganoon pa rin ang kanyang balat, at hindi kumalat, siyaʼy ibubukod pa rin ng pari sa mga tao sa loob pa rin ng pitong araw. At sa ikapitong araw, muli siyang susuriin ng pari. At kung gumaling na ang kanyang sakit sa balat at hindi ito kumalat, ipapahayag ng pari na siyaʼy malinis[a] na, dahil itoʼy butlig lang. Pagkatapos nito, lalabhan ng tao ang kanyang damit,[b] at siyaʼy ituturing na malinis na.

Read full chapter

Footnotes

  1. 13:6 malinis: Maaari na siyang makisama sa kanilang mga seremonyang pangrelihiyon.
  2. 13:6 lalabhan … damit: Tingnan ang “footnote” sa 11:24-28b.