Add parallel Print Page Options

Kaya hindi na kayo dapat maghandog sa mga demonyo na mukhang kambing,[a] dahil ito ang maglalayo sa inyo sa Panginoon. Dapat ninyong sundin ang tuntuning ito, kayo at ng susunod pang mga henerasyon magpakailanman.

Kayong mga taga-Israel at ang mga dayuhang naninirahang kasama ninyo, tandaan ninyo ito:

Ang sinuman sa inyo na maghahandog ng anumang uri ng handog sa ibang lugar at hindi sa may pintuan ng Tolda ay huwag na ninyong ituring na kababayan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 17:7 demonyo na mukhang kambing: o, dios-diosang kambing.