Add parallel Print Page Options

10 Kung ang punong pari[a] ay namatayan ng kamag-anak, huwag niyang guguluhin ang kanyang buhok ni pupunitin ang kanyang damit bilang tanda ng pagluluksa. 11 Dapat din niyang iwasan ang paglapit sa patay kahit na iyon ay kanyang ama o ina. 12 At dahil siyaʼy itinalaga sa akin bilang punong pari sa pamamagitan ng pagpapahid sa kanya ng langis ng pagtatalaga, hindi siya dapat umalis sa Toldang Tipanan dahil kapag siyaʼy umalis doon at sumama sa libing, marurumihan ang Tolda. Ako ang Panginoon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 21:10 punong pari: sa tekstong Hebreo makikita ang buong katawagan sa kanya: ang punong pari sa kanyang mga kapwa Israelita na pinahiran ng langis sa ulo at itinalagang magsuot ng pamparing damit na para sa punong pari.