Add parallel Print Page Options

Kinakailangang kayo ay ituring na banal ng inyong kapwa Israelita dahil kayo ang nag-aalay ng mga handog para sa akin.[a] Dapat nila kayong ituring na banal dahil ako ang Panginoon ay banal at ginawa kong banal ang aking mga tao.[b]

Kung kayoʼy may anak na babae na nagdudulot ng kahihiyan sa inyo dahil sa nagbebenta siya ng panandaliang-aliw, siyaʼy ituturing na marumi, dapat siyang sunugin.

10 Kung ang punong pari[c] ay namatayan ng kamag-anak, huwag niyang guguluhin ang kanyang buhok ni pupunitin ang kanyang damit bilang tanda ng pagluluksa.

Read full chapter

Footnotes

  1. 21:8 mga handog para sa akin: sa literal, pagkain ng Dios. Tingnan ang “footnote” sa 21:6.
  2. 21:8 ginawa … tao: o, itinalaga ko sila para sa akin.
  3. 21:10 punong pari: sa tekstong Hebreo makikita ang buong katawagan sa kanya: ang punong pari sa kanyang mga kapwa Israelita na pinahiran ng langis sa ulo at itinalagang magsuot ng pamparing damit na para sa punong pari.