Add parallel Print Page Options

23 Kung hindi pa rin kayo makikinig at patuloy pa rin na susuway sa akin, 24 ako na ang makakalaban ninyo at parurusahan ko kayo ng pitong beses. 25 Ipapasalakay ko kayo sa inyong mga kalaban para parusahan kayo dahil sa inyong pagsuway sa kasunduan natin. Kahit na magtago kayo sa loob ng inyong lungsod, padadalhan ko pa rin kayo ng salot. At dahil dito, mapipilitan kayong sumuko sa inyong mga kalaban.

Read full chapter