Font Size
Leviticus 27:26-28
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Leviticus 27:26-28
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
26 Ang panganay na anak ng hayop ay sa Panginoon na, kaya itoʼy hindi na maaaring ihandog sa kanya. Ito ay sa Panginoon, maging baka man ito o tupa. 27 Pero kung ang hayop ay itinuturing na marumi, iyon ay maaaring tubusin ng may-ari. Babayaran niya ang halaga ng hayop at dadagdagan pa niya ng 20 porsiyento ng halaga nito. Pero kung iyon ay hindi tutubusin ng may-ari, ipagbibili iyon ng pari ayon sa itinakdang halaga.
28 Ang anumang bagay na lubusang itinalaga[a] sa Panginoon ay hindi na maaaring ipagbili o tubusin maging itoʼy tao o hayop o lupaing minana dahil iyon ay sa Panginoon na.
Read full chapterFootnotes
- 27:28 lubusang itinalaga: Ang ibig sabihin, ang anumang bagay na itinalaga sa Panginoon ay hindi na maaaring bawiin pa dahil itoʼy sa mga pari na magpakailanman.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®