Add parallel Print Page Options

27 Pero kung ang hayop ay itinuturing na marumi, iyon ay maaaring tubusin ng may-ari. Babayaran niya ang halaga ng hayop at dadagdagan pa niya ng 20 porsiyento ng halaga nito. Pero kung iyon ay hindi tutubusin ng may-ari, ipagbibili iyon ng pari ayon sa itinakdang halaga.

28 Ang anumang bagay na lubusang itinalaga[a] sa Panginoon ay hindi na maaaring ipagbili o tubusin maging itoʼy tao o hayop o lupaing minana dahil iyon ay sa Panginoon na. 29 Ang taong lubusang inihandog sa Panginoon ay hindi na maaaring tubusin. Dapat siyang patayin.

Read full chapter

Footnotes

  1. 27:28 lubusang itinalaga: Ang ibig sabihin, ang anumang bagay na itinalaga sa Panginoon ay hindi na maaaring bawiin pa dahil itoʼy sa mga pari na magpakailanman.