Add parallel Print Page Options

3-7 kung babayaran niya ng pilak, ang kanyang halaga ay kinakailangang ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari:

Sa edad na isang buwan hanggang apat na taon

lalaki: limang pirasong pilak

babae: tatlong pirasong pilak

Sa edad na lima hanggang 19 na taon

lalaki: 20 pirasong pilak

babae: sampung pirasong pilak

Sa edad na 20 hanggang 59 na taon

lalaki: 50 pirasong pilak

babae: 30 pirasong pilak

Sa edad na 60 taon pataas

lalaki: 15 pirasong pilak

babae: sampung pirasong pilak.

Kung dukha ang nagpanata at hindi kayang magbayad ng nasabing halaga, dadalhin niya sa pari ang taong ipinanata niyang ihahandog sa Panginoon, at ang pari ang siyang magbibigay ng halaga ayon sa makakayanan ng tao.

Kung ang panatang handog ay hayop na maaaring ihandog sa Panginoon, ang hayop na iyon ay sa Panginoon na.

Read full chapter