Add parallel Print Page Options

Pagkatapos, papahiran niya ng dugo ang parang sungay sa mga sulok ng altar na pagsusunugan ng insenso sa loob ng Tolda sa presensya ng Panginoon. At ang natitirang dugo ng toro ay ibubuhos niya sa ilalim ng altar na pagsusunugan ng handog na sinusunog. Ang altar na itoʼy malapit sa pintuan ng Tolda. Pagkatapos, kukunin niya ang lahat ng taba sa lamang-loob ng toro, ang mga bato at ang taba nito, pati na ang maliit na bahagi ng atay.

Read full chapter