Add parallel Print Page Options

Mga Karagdagang Tuntunin para sa Handog para sa Mabuting Relasyon

11 Ito ang mga tuntunin tungkol sa handog para sa mabuting relasyon[a] na iniaalay sa Panginoon.

12 Kung ang hayop na handog para sa mabuting relasyon ay inialay bilang handog ng pagpapasalamat sa Panginoon, sasamahan niya ito ng tinapay. Magdadala siya ng tinapay na walang pampaalsa katulad ng makapal na tinapay na hinaluan ng langis, manipis na tinapay na pinahiran ng langis, at tinapay na mula sa magandang klaseng harina na hinaluan ng langis. 13 Maliban dito, magdadala rin siya ng tinapay na may pampaalsa.

Read full chapter

Footnotes

  1. 7:11 handog para sa mabuting relasyon: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.