Add parallel Print Page Options

Isinilang si Juan na Tagapagbawtismo

57 Dumating na ang panahon ng panganganak ni Elisabet at siya ay nagsilang ng isang lalaki.

58 Narinig ng mga kapitbahay at ng kaniyang mga kamag-anak na dinadagdagan ng Panginoon ang habag niya sa kaniya. At sila ay nakigalak sa kaniya.

59 Nangyari, nang ika-walong araw, sila ay dumating upang tuliin ang sanggol. At siya ay tinatawag nilang Zacarias alinsunod sa pangalan ng kaniyang ama.

Read full chapter