Add parallel Print Page Options

Isinugo ni Jesus ang Pitumpu

10 Pagkatapos ng mga bagay na ito, ang Panginoon ay humirang din ng pitumpung iba pa. Sinugo niya sila ng dala-dalawa sa kaniyang unahan. Sinugo niya sila sa bawat lungsod at dako na kaniyang pupuntahan.

Sinabi nga niya sa kanila: Ang aanihin ay totoong marami ngunit ang manggagawa ay kakaunti. Ipamanhik nga ninyo sa Panginoon ng pag-aani na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang mga aanihin. Humayo kayo. Narito, sinusugo ko kayo tulad ng mga batang tupa sa kalagitnaan ng mga lobo.

Read full chapter