Add parallel Print Page Options

34 Nilapitan ng Samaritano ang lalaki, binuhusan ng langis at alak ang kanyang mga sugat, at pagkatapos ay binendahan. Isinakay niya ang lalaki sa kanyang sariling hayop, at pagkatapos ay dinala sa isang bahay-panuluyan at inalagaan doon. 35 Kinabukasan, binigyan niya ng dalawang denaryo ang may-ari ng bahay-panuluyan at pinagbilinan ito, ‘Alagaan mo siya at anumang dagdag na gastusin mo ay babayaran ko sa iyo sa aking pagbabalik.’ 36 Sa palagay mo, sino sa tatlong iyon ang naging kapwa-tao sa lalaking naging biktima ng mga tulisan?”

Read full chapter