Font Size
Lucas 10:40-42
Magandang Balita Biblia
Lucas 10:40-42
Magandang Balita Biblia
40 Si Martha naman ay abalang-abala sa paghahanda, kaya't lumapit siya kay Jesus at nagsabi, “Panginoon, balewala po ba sa inyo na pinababayaan ako ng kapatid kong maghanda nang nag-iisa? Sabihan nga po ninyo siyang tulungan naman ako.”
41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Martha, Martha, nababalisa ka at abalang-abala sa maraming bagay, 42 ngunit iisa lamang ang kailangan.[a] Pinili ni Maria ang mabuti at ito'y hindi aalisin sa kanya.”
Read full chapterFootnotes
- Lucas 10:42 iisa lamang…kailangan: Sa ibang manuskrito'y kakaunti lamang ang talagang kailangan .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.