Add parallel Print Page Options

15 Datapuwa't sinabi ng ilan sa kanila, Sa pamamagitan ni Beelzebub, na pangulo ng mga demonio ay nagpapalabas siya ng mga demonio.

16 At ang mga iba sa pagtukso sa kaniya'y (A)hinanapan siya ng isang tanda na mula sa langit.

17 Datapuwa't siya, na nakatataho ng mga pagiisip nila, sa kanila'y sinabi, (B)Ang bawa't kahariang nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili ay magkakawatakwatak; at ang sangbahayan na nagkakabahabahagi laban sa sangbahayan ay nagigiba.

Read full chapter