Add parallel Print Page Options

Ang Liwanag ng Katawan(A)

33 “Walang sinumang nagsisindi ng ilawan at pagkatapos ay ilalagay ito sa tagong lugar o sa ilalim ng takalan. Sa halip, ilalagay ang ilawan sa patungan upang makita ng mga papasok ang liwanag. 34 Ang mata ang ilawan ng katawan. Kung malinaw ang iyong mata, ang iyong buong katawan ay maliwanag. Ngunit kung hindi ito malinaw, ang iyong buong katawan ay puno ng kadiliman. 35 Kaya't mag-ingat ka at baka ang liwanag na nasa iyo ay kadiliman pala.

Read full chapter