Add parallel Print Page Options

Ang Pagtuligsa sa mga Fariseo at Dalubhasa sa Kautusan(A)

37 Habang nagsasalita pa si Jesus, inanyayahan siyang makasalo ng isang Fariseo. Kaya't pumasok siya at naupo sa may hapag-kainan. 38 Nagtaka ang Fariseo nang mapansing hindi muna naghugas ng kamay si Jesus bago kumain. 39 Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Kayong mga Fariseo, nililinis ninyo ang labas ng tasa at ng pinggan subalit ang kalooban ninyo ay puno ng kasakiman at kasamaan.

Read full chapter