Font Size
Lucas 11:37-39
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Lucas 11:37-39
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Tinuligsa ni Jesus ang mga Tagapagturo ng Kautusan at ang mga Pariseo(A)
37 Pagkatapos magsalita, si Jesus ay inanyayahan ng isang Pariseo upang kumain sa bahay niya. Nagpaunlak si Jesus at dumulog sa hapag. 38 Nagulat ang Pariseo nang makita niyang si Jesus ay hindi muna naghugas ng kamay bago kumain. 39 Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Kayong mga Pariseo, hinuhugasan ninyo ang labas ng baso at ng pinggan, ngunit ang loob ninyo'y punung-puno ng kasakiman at kasamaan.
Read full chapter