Add parallel Print Page Options

49 Dahil din dito, ayon sa kaniyang karunungan ay sinabi ng Diyos: Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at mga apostol. Ang ilan sa mga ito ay kanilang papatayin at ang ilan ay kanilang palalayasin. 50 Sisingilin sa lahing ito ang dugo ng lahat ng mga propeta na nabuhos mula pa ng itatag ang sanlibutang ito. 51 Ang sisingilin ay simula sa dugo ni Abel hanggang sa dugo ni Zacarias. Si Zacarias ay pinatay sa pagitan ng dambana at dakong banal. Oo, sinasabi ko sa inyo, ito ay sisingilin sa lahing ito.

Read full chapter