Add parallel Print Page Options

50 upang papanagutin sa lahing ito ang dugong dumanak sa lahat ng mga propeta mula pa nang maitatag ang sanlibutan. 51 Mula ito sa dugo ni Abel hanggang sa dugo ni Zacarias, na pinatay sa pagitan ng altar at ng templo. Oo, sinasabi ko sa inyong iyon ay papanagutan ng salinlahing ito. 52 Kaysaklap ng sasapitin ninyong mga dalubhasa sa Kautusan! Sapagkat ipinagkait ninyo ang susi ng karunungan. Kayo mismo'y hindi nagsisipasok, at hinahadlangan pa ninyo ang mga pumapasok.”

Read full chapter