Font Size
Lucas 12:10-12
Ang Salita ng Diyos
Lucas 12:10-12
Ang Salita ng Diyos
10 Ang bawat isang magsasalita laban sa Anak ng Tao ay patatawarin. Ngunit siya na mamumusong laban sa Banal na Espiritu ay hindi patatawarin.
11 Kapag dinala nila kayo sa mga sinagoga at sa harap ng mga pinuno at mga may kapamahalaan, huwag kayong mabalisa kung papaano, o kung ano ang inyong isasagot, o kung ano ang inyong sasabihin. 12 Ito ay sapagkat ituturo sa inyo ng Banal na Espiritu sa oras ding iyon ang kinakailangan ninyong sabihin.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International