Add parallel Print Page Options

22 At sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Kaya nga sinasabi ko sa inyo, (A)Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay, kung ano ang inyong kakanin; kahit sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin.

23 Sapagka't ang buhay ay higit kay sa pagkain, at ang katawan kay sa damit.

24 Wariin ninyo ang mga uwak, na hindi sila nangaghahasik, ni nagsisigapas man; na walang bangan ni kamalig man; at sila'y pinakakain ng Dios: gaano ang kahigtan ng kahalagahan ninyo kay sa mga ibon!

Read full chapter