Add parallel Print Page Options

Magtiwala at Maging Tapat

22 Si Jesus ay nagsabi sa kaniyang mga alagad: Dahil dito, sinasabi ko sa inyo: Huwag kayong mabalisa patungkol sa inyong buhay o kung ano ang inyong kakainin. Huwag kayong mabalisa maging sa inyong katawan, kung ano ang inyong isusuot.

23 Ang buhay ay higit kaysa sa pagkain at ang katawan ay lalong higit kaysa sa damit. 24 Isipin ninyo ang mga uwak. Sila ay hindi naghahasik o nag-aani. Wala silang tinggalan o kamalig. Gayun­man, pinakakain sila ng Diyos. Gaano pa kaya kayo na higit na mahalaga kaysa sa mga ibon?

Read full chapter