Font Size
Lucas 12:24-26
Ang Salita ng Diyos
Lucas 12:24-26
Ang Salita ng Diyos
24 Isipin ninyo ang mga uwak. Sila ay hindi naghahasik o nag-aani. Wala silang tinggalan o kamalig. Gayunman, pinakakain sila ng Diyos. Gaano pa kaya kayo na higit na mahalaga kaysa sa mga ibon? 25 Sino sa inyo ang makapagdaragdag ng isang siko sa kaniyang tangkad sa pamamagitan ng pagkabalisa? 26 Yamang hindi nga ninyo kayang gawin ang maliit na bagay na ito, bakit kayo nababalisa sa ibang bagay?
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International