Add parallel Print Page Options

Kaya nga, anuman ang inyong sabihin sa dilim ay maririnig sa liwanag. Anuman ang ibinulong ninyo sa loob ng mga silid ay ihahayag sa mga bubungan.

Mga kaibigan ko, sinasabi ko sa inyo: Huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan. Pagkatapos nilang pumatay wala na silang magagawang anumang bagay. Ipakikita ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan. Katakutan ninyo siya na pagkatapos pumatay ay may kapamahalaang magtapon sa impiyerno. Oo, sinasabi ko sa inyo, katakutan ninyo siya.

Read full chapter