Add parallel Print Page Options

Mga Aliping Laging Handa

35 “Maging(A) handa kayong lagi at panatilihing maliwanag ang inyong mga ilawan. 36 Tumulad(B) kayo sa mga aliping naghihintay sa pag-uwi ng kanilang panginoon buhat sa kasalan, upang kung ito'y dumating at kumatok ay mabuksan nila agad ang pinto. 37 Pinagpala ang mga aliping aabutang nagbabantay pagdating ng kanilang panginoon. Tandaan ninyo: magbibihis siya at pauupuin sila, ipaghahanda sila ng pagkain at pagsisilbihan.

Read full chapter