Add parallel Print Page Options

36 Tumulad kayo sa mga tao na naghihintay sa kanilang pangi­noon sa kaniyang pagbabalik mula sa kasalan. Kapag siya ay dumating at kumatok, mapagbuksan nila siya kaagad. 37 Pinagpala silang mga alipin na sa pagdating ng panginoon ay masusumpungang nagbabantay. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Bibigkisan niya ang kaniyang sarili at padudulugin sila sa hapag. Sa kaniyang paglapit, siya ay maglilingkod sa kanila. 38 Pinagpala ang mga alipin na sa kaniyang pagdating sa hatinggabi o sa madaling araw ay masumpungan silang nagbabantay.

Read full chapter