Add parallel Print Page Options

40 Kaya nga, maging handa kayo sapagkat ang Anak ng Tao ay darating sa oras na hindi ninyo inaakala.

41 Sinabi ni Pedro sa kaniya: Panginoon, kanino mo sinasabi ang talinghagang ito? Sinasabi mo ba ito sa amin o para din sa lahat?

42 Sinabi ng Panginoon: Sino nga ang matapat at matalinong katiwala na pamamahalain ng kaniyang panginoon sa kaniyang sambahayan? Siya ay pamamahalain upang magbigay ng bahagi ng pagkain sa kapanahunan.

Read full chapter