Add parallel Print Page Options

51 Sa palagay ba ninyo ay naparito ako upang magbigay ng kapayapaan sa lupa. Sinasabi ko sa inyo: Hindi. Ako ay narito upang maghati. 52 Ito ay sapagkat simula ngayon, ang lima na nasa isang sambahayan ay magkakabaha-bahagi, tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo. 53 Ang ama ay magiging laban sa anak na lalaki at ang anak na lalaki laban sa ama. Ang ina ay magiging laban sa anak na babae at ang anak na babae laban sa ina. Ang biyenang babae ay magiging laban sa kaniyang manugang na babae at ang manugang na babae laban sa kaniyang biyenang babae.

Read full chapter